‘Padding ng COVID-19 claims sa PhilHealth’ nabuking ng NBI

By Jan Escosio October 29, 2020 - 09:35 PM

Nasa walong opisyal at kawani ng PhilHealth – Central Visayas Office at apat na kawani ng isang pribadong ospital sa Cebu City ang sinampahan ng mga kaso sa Office of the Ombudsman for the Visayas dahil sa claims ng isang inakalang COVID-19 patient.

Sinabi ni Renan Oliva, director ng NBI Region 7, base sa kanilang imbestigasyon nagkaroon ng sabwatan ang kanilang mga kinasuhan para magkaroon ng fraudulent claim na P333,519.

Paliwanag niya, ‘upcasing’ ang nangyari para mataas na claim ang makuha ng ospital mula sa PhilHealth.

Sinabi nito na sa kaso ni ‘Patient X,’ tatlong beses itong nagnegatibo sa COVID-19 ngunit idineklara itong positibo sa sakit nang mamatay noong May 16, ngunit hindi isinama ang resulta ng swab test nito sa pag-claim ng insurance sa PhilHealth.

Base sa ulat ng kanilang medico legal officer, nadiskubre na ang pagkamatay ng pasyente at non-COVID 19 pneumonia.

Inirekomenda rin na maharap sa mga kasong administratibo ang mga sangkot na opisyal at kawani ng PhilHealth.

TAGS: Inquirer News, NBI Region 7, Padding ng COVID-19 claims sa PhilHealth, PhilHealth COVID-19 claims, Radyo Inquirer news, Inquirer News, NBI Region 7, Padding ng COVID-19 claims sa PhilHealth, PhilHealth COVID-19 claims, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.