Ordinansa para sa proteksyon ng LGBTQ+ community sa Maynila, nilagdaan na ni Moreno
Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Ordinance number 8695 o Manila LGBTQI Protection Ordinance of 2020.
Layunin ng ordinansa na mabigyang proteksyon ang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer (LGBTQ+) community.
Ani Mayor Isko, nakakaranas ng diskriminasyon ang mga nasa LGBTQI community
Sa ilalim ng ordinansa, pinagbabawalan na limitahan ang access sa trabaho, promotion opportunities, transfer, training, schooling, at iba pa.
Nasa P1,000 multa at pagpakulong ng anim na buwan ang maaaring kaharapin ng sinumang lalabag sa ordinansa para sa unang offense.
Para sa second offense, P2,000 multa at pagkakulong ng hanggang walong buwan habang sa third offense naman ay P3,000 multa at pagkabilanggo ng isang taon.
Para sa mga susunod pa, multa na P5,000 at pagkakulong ng isang taon ang magiging parusa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.