Drive-thru installation ng RFID isasagawa sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2020 - 07:13 AM

Magdaraos ng drive-thru na RFID installation sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, isasagawa ito mula sa Oct. 31 hanggang sa Nov. 1.

Bubuksan ang drive-thru sa Kartilya ng Katipunan mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi sa nasabing mga petsa.

Ayon sa alkalde, tanging mga Class 1 na sasakyan ang papayagang pumila sa drive-thru gaya ng kotse, SUVs at passenger vans.

Wala namang hihinging anumang dokumento sa mga nais magpakabit, subalit kailangang magbayad ng P200 para sa initial load ng RFID.

 

 

 

 

TAGS: Easytrip, Inquirer News, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rfid, Tagalog breaking news, tagalog news website, Easytrip, Inquirer News, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rfid, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.