Umabot sa 33 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 29), umabot na sa 1,995 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 600 ang aktibo pang kaso.
16 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 1,368 na ang total recoveries sa Baguio City habang 27 na ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,384 ang aktibo habang 3,077 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 15,659 na residente habang 18,643 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.