Mga sigarilyo, ipagbabawal ng i-display sa mga tindahan sa Singapore

By Kathleen Betina Aenlle March 15, 2016 - 12:05 AM

 

Napagbotohan na ng parliyamento ng Singapore ang pagbabawal ng pagdi-display ng mga sigarilyo sa mga tindahan.

Sinundan ng Singapore ang yapak ng Australia, Canada, New Zealand at UK sa polisiya ng cigarette display ban.

Simula sa taong 2017, kailangan ay tuluyan nang walang makikitang mga naka-display na sigarilyo sa mga tindahan, at pati na rin ang anumang advertisements tungkol dito, kabilang na ang online ads.

Ginawa ito ng Singapore para mas mapaigting pa nila ang pagbabawas sa nakakasamang bisyo ng paninigarilyo sa kanilang bansa, kahit pa ang bansang ito ay isa na sa may pinakamababang smoking rates sa buong mundo.

Bukod sa mismong mga pakete ng sigarilyo at mga advertisement, ipagbabawal na rin ang pagdi-display ng electronic-cigarettes.

Ayon kay Senior Minister of State for Health Amy Khor, bagaman mapalad sila na ang kanilang bansa ay isa sa may pinakamababang smoking prevalence, hindi sila dapat maging kampante.

Batid din aniya nila na mas nagiging agresibo na ang bentahan ng sigarilyo maging sa mga kabataan, kaya kailangan na nilang mas paigtingin pa ang pag-protekta nila sa kalusugan ng kanilang mga mamamayan.

Dagdag pa ni Khor, noong taong 2004 ay bumagsak sa all-time law ang smoking rate nila na nasa 12.6 percent, ngunit unti unti rin itong umakyat ng 13.3 percent pagdating ng 2013.

Ang Singapore ay kabilang sa mga bansang may pinakamababang smoking rates sa buong mundo dahil sa pinagsama-samang mga batas tulad ng nicotine taxes, ban sa print at broadcast advertising, at mas mahigpit na mga batas tungkol sa pagsi-sindi ng sigarilyo sa maraming bahagi ng lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.