DFA, bubuo ng fact-finding team para imbestigahan si Ambassador Mauro

By Jan Escosio October 28, 2020 - 03:39 PM

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na bubuo siya ng fact finding team na mag-iimbestiga sa pananakit ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa isa sa kanyang household service staff.

Ngunit, agad din nilinaw ni Locsin na kailangan muna ang ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte para hindi mapawalang-saysay ang gagawin nilang imbestigasyon.

Paliwanag nito, nakasaad sa Philippine Foreign Service Act of 1991, hindi maaaring imbestigahan o alisin sa puwesto ang mga itinalaga sa foreign posts nang walang direktiba mula sa Pangulo ng bansa.

Pagdidiin pa ni Locsin, hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng maling asal ng kanyang mga opisyal dahil aniya, kabilang sa misyon ng kagawaran ay protektahan at pangalagaan ang mga Filipino sa ibang bansa.

TAGS: Ambassador Marichu Mauro, DFA, DFA fact finding team, Inquirer News, Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, Radyo Inquirer news, Sec. Teodoro Locsin Jr., Ambassador Marichu Mauro, DFA, DFA fact finding team, Inquirer News, Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, Radyo Inquirer news, Sec. Teodoro Locsin Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.