Pangulong Duterte, idineklara ang Sept. 8 bilang “National Green Building Day”

By Chona Yu October 28, 2020 - 02:01 PM

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 8 kada taon bilang “National Green Building Day.”

Ito ay para paigtingin pa ang pagtataguyod sa energy-efficient at green buildings sa buong bansa.

Nakasaad sa Proclamation Number 1030 na dapat na i-promote ang sustainable development sa construction sector.

Pinasisiguro rin ang pagsusulong ng mga inisyatibo sa maayos at tamang paggamit sa resources, sa tubig, waste management, at integration ng eco-friendly processes and systems.

Inaatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makikipag-ugnayan sa iba’t ibang non-government organizations at civil society group ba itaguyod ang National Green Building Day.

Inaatasan naman ang iba pang tanggapan ng pamahalaan na suportahan ang DPWH.

Nilagdaan ng Pangulo ang proklamasyon noong October 21 pero ngayon lamang inilabas sa publiko.

TAGS: DPWH, DPWH National Green Building Day, Inquirer News, National Green Building Day, president duterte, Proclamation No. 1030, Radyo Inquirer news, September 8 as National Green Building Day, DPWH, DPWH National Green Building Day, Inquirer News, National Green Building Day, president duterte, Proclamation No. 1030, Radyo Inquirer news, September 8 as National Green Building Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.