SM Bonus sugar products binawi na sa merkado

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2020 - 10:36 AM

Binawi na sa merkado ang mga produktong asukal ng SM Bonus.

Ito ay makaraang maglabas ng abiso sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) na nagbababala sa pagbili ng SM Bonus Brown Sugar at SM Bonus Refined Sugar.

Ayon sa FDA, hindi rehistrado sa kanila ang naturang mga produkto ng SM kaya hindi tiyak na ligtas bilhin at gamitin ang mga ito.

Sa inilabas na pahayag ng SM Markets, sinabi nitong binawi na nila sa merkado ang mga produkto nilang kasama sa FDA circular advisory No. 2020-1927.

Hindi muna ibebenta ang mga produktong asukal ng SM Bonus hanggang sa ang kanilang supplier ay magawa nang makatugon sa registration requirements ng FDA.

 

 

 

 

 

TAGS: BUsiness, FDA, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SM Bonus, SM Bonus Brown Sugar, SM Bonus Refined Sugar, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, FDA, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SM Bonus, SM Bonus Brown Sugar, SM Bonus Refined Sugar, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.