Lahat ng staff ng Office of the Vice President na na-expose sa COVID-19 patient nag-negatibo sa sakit
Negatibo sa COVID-19 test ang lahat ng staff ng Office of the Vice President na nalantad sa isang staff na positibo sa sakit noong nakaraang linggo.
Inanunsyo ito ni Vice President Leni Robredo na kabilang sa mga sumailalim sa mandatory quarantine makaraang ma-expose sa COVID-19 patient.
Ayon kay Robredo, negatibo ang resulta ng lahat ng kanilang test.
Dahil dito, magpapatuloy na ang mga aktibidad ngayong araw at sa mga susunod na araw ng OVP.
Pinasalamatan naman ni Robredo ang lahat ng nag-alay ng dasal.
“All of the OVP staff who were exposed last week tested negative. Thank God!! All the activities today and the succeeding days will proceed as scheduled,” ayon kay Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.