Restoration works ng NGCP, tuloy pa rin sa mga lugar na apektado ng Bagyong Quinta

By Angellic Jordan October 27, 2020 - 07:45 PM

Patuloy ang restoration activities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga lugar na apektado ng Bagyong Quinta.

Ayon sa ahensya, nasa kabuuang 33 line gangs o 264 personnel ang 24/7 na naka-deploy.

Karagdagan pang 12 line gangs naman ang itinalaga sa North Luzon, NCR, at Visayas upang matulungan ang 20 line gangs na unang nai-deploy sa South Luzon.

Hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 27), dalawang 500kV lines, isang 230kV line, at limang 69kV lines ang nananatiling de-energized.

Sa ngayon, naayos na ng NGCP ang transmission services sa Pampanga, Laguna, Quezon, Albay, at Sorsogon.

Nangako naman ang ahensya na aayusin ang mga naapektuhan sa bahagi ng Batangas at Camarines Sur sa lalong madaling panahon.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

BATANGAS:
BATELEC I and II – October 28

CAMARINES SUR:
CASURECO 1 – October 31
CASURECO 2 – October 31
CASURECO 3 – October 29
CASURECO 4 – October 31

TAGS: Inquirer News, ngcp, NGCP transmission services, QuintaPH, Radyo Inquirer news, restoration works, Typhoon Molave aftermath, Typhoon Quinta aftermath, Inquirer News, ngcp, NGCP transmission services, QuintaPH, Radyo Inquirer news, restoration works, Typhoon Molave aftermath, Typhoon Quinta aftermath

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.