Ilang lalawigan sa Central Luzon, CALABARZON, uulanin pa rin
Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 3:25 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Zambales, Bulacan, at Quezon.
Maaapektuhan din ang Mayantoc, San Clemente, Camiling at Victoria sa Tarlac; Magalang, Arayat, Santa Ana at Candaba sa Pampanga; Licab at Quezon sa Nueva Ecija.
Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.