GMA humirit sa SC na makapag-birthday sa kanilang bahay

By Isa Avendaño-Umali March 14, 2016 - 03:08 PM

arroyo1
Inquirer file photo

Humirit si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo ng “Birthday furlough” sa Korte Suprema.

Si Arroyo ay magdiriwang ng 69th birthday sa April 5, 2016.

Sa kopya ng Sandiganbayan ng motion for 5-day birthday furlough na inihain sa Supreme Court ng kampo ni Arroyo, nais ng dating Presidente na makalabas ng Veterans Memorial Medical Center o VMMC mula 5PM ng April 3 hanggang 5PM ng April 7, 2016.

Ito’y upang makapagdiwang ng kaarawan kasama ang pamilya at mga kaibigan sa tahanan nito sa No. 14 Badjao Street, La Vista Subdivision, Quezon City.

Ipinunto ni Arroyo na noong December 2015, nauna nang pinagbigyan ng Kataas taasang Hukuman ang mosyon niya para sa Christmas at New year furloughs.

Dahil dito, muling umapela si CGMA sa mga Mahistrado na bigyan siya ng kahalintulad na furlough para sa kanyang kaarawan sa April 5.

Malaking tulong din umano ito para sa kalusugan ni Arroyo, na hanggang ngayon ay may iniindang karamdaman.

Higit sa lahat, nananatiling inosente si Arroyo at hindi raw maituturing na flight risk.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng intel funds ng PCSO noong kanyang administrasyon.

TAGS: GMA, sandiganbayan, Supreme Court, GMA, sandiganbayan, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.