Mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nasa 102

By Angellic Jordan October 27, 2020 - 01:49 PM

Umabot na sa 102 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Typhoon Quinta.

Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Martes ng tanghali (October 27), na-stranded ang 102 pasahero, truck drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa National Capital Region at Palawan.

Maliban dito, stranded din ang tatlong vessels, at tatlong motorbancas.

Sinabi ng ahensya na light to moderate ang sea condition sa NCR at Palawan.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.

Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

TAGS: Bagyong Quinta, Inquirer News, Pagasa, PCG maritime safety advisory, PCG monitoring, QuintaPH, Radyo Inquirer news, Typhoon Quinta, weather update October 26, Bagyong Quinta, Inquirer News, Pagasa, PCG maritime safety advisory, PCG monitoring, QuintaPH, Radyo Inquirer news, Typhoon Quinta, weather update October 26

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.