Mga opisyal ng PhilHealth hindi pa abswelto sa kasong kriminal at administratibo – Pangulong Duterte

By Chona Yu October 27, 2020 - 01:15 PM

Hindi pa abswelto sa kasong kriminal at administratibo ang mga opisyal ng Philhealth na dawit sa P15 bilyon anomalya.

Ito ay kahit na nagbitiw na sila sa puwesto.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi solusyon ang resignation para takasan ang mga pananagutan sa batas.

Hindi kasi aniya maaring magbitiw sa puwesto ang isang opisyal kung mayroong nakabinbing kaso.

Kahit aniya mag-resign o hindi na magreport sa trabaho, maari pa ring ipa subpoena o ipa-summon ang isang opisyal.

“But let me remind everybody in this government na your resignation will not save your neck. Alam mo bakit? You are not allowed to resign if there is pending case against you. Mag-resign ka man hindi ka mag-report but then you would be summoned or subpoenaed because you are already out of government but because for all intents and purposes you are still a part of government. You are not allowed to resign to escape liability,” pahayag ng pangulo.

Hindi aniya kailanman makatutulong ang resignation.

“Kasi nakita ko sa PhilHealth puro resignation dito, resignation doon. Sinasabi ko well maganda man ‘yan para makatulog ka siguro. Hindi ka na mag-report ng opisina. But if you think that it will save you from criminal prosecution or administrative because you are still considered an employee, that resignation will not help you at all. Let us be clear on that,” dagdag ng pangulo.

Aabot sa 43 na opisyal ng Philhealth ang nagresign matapos pumutok ang kontrobersiya sa maanomalyang pagbili ng mga personal protective equipment nanginagamit ng mga health workers kontra COVID-19, ang kwestyunableng pagbili ng IT system at iba pa.

 

TAGS: philhealth, president duterte, philhealth, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.