Sen. Migz Zubiri sinabing nangilabot sa pananakit ng Philippine ambassador sa Filipina service staff

By Jan Escosio October 27, 2020 - 11:53 AM

Hiniling ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pag-iimbestiga sa pananakit ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa isang Filipina na miyembro ng kanyang household service staff.

Sinabi ni Zubiri nangilabot siya nang mapanood niya ang security camera footages ng ilang beses niyang pananakit sa kanyang service staff.

Diin ng senador hindi niya lubos maisip kung paano nagagawang saktan ng isang opisyal ng gobyerno ang kanyang kababayan.

Aniya paano hihilingin ng gobyerno ng Pilipinas sa foreign employers na tratuhin ng maayos at irespeto ang karapatan ng mga Filipino kung ang mga opisyal na dapat ay nagbibigay proteksyon ang siyang nananakit pa sa ating mga kababayan.

Pinuri naman na ni Zubiri si Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin sa agarang pagpapabalik sa Pilipinas kay Mauro para maimbestigahan.

Panawagan lang niya kasuhan si Mauro dahil sa pang-aabuso, paglabag sa labor laws ng Pilipinas at paglabag sa Kasambahay Law.

 

 

 

 

TAGS: household service staff, Inquirer News, News in the Philippines, Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, household service staff, Inquirer News, News in the Philippines, Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.