Mahigit 300 pang pasahero stranded sa mga pantalan

By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2020 - 10:11 AM

Mayroon pang 341 na mga pasahero na stranded sa mga pantalan bunsod ng epekto ng Typhoon Quinta.

Sa update mula sa Philippine Coast Guard (PCG), sa North Port Passenger Terminal, mayroong 297 na pasaherong stranded.

Sa mga pantalan naman sa Palawan, 44 pang pasahero ang stranded.

Mayroon ding 5 barko at 3 motorbanca na stranded sa mga pantalan.

Patuloy ang PCG Command Center sa 24/7 monitoring para ipatupad ang alituntunin sa pagbabawal sa pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat ngayong may sama ng panahon.

 

 

 

TAGS: coast guard, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, stranded passengers, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, stranded passengers, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.