Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng mahigit 410,000 sa magdamag
Umabot na sa mahigit 43.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes, (Oct. 27) ay 43,769,601 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 410,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 68,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 68,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 17,000 na mga kaso.
Ang UK ay muling napasama sa top 10 na mga bansang may pinakamaraming kaso.
Nitong mga nagdaang araw kasi ay nakapagtatala ng mataas na kaso sa UK.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 8,961,847
India – 7,945,888
Brazil – 5,411,550
Russia – 1,531,224
France – 1,165,278
Spain – 1,156,498
Argentina – 1,102,301
Colombia –1,025,052
UK – 894,690
Peru – 890,574
Mexico – 891,160
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.