Taksil na Mister na sumama sa ibang babae, hinatulang makulong ng hanggang 8 taon ng SC sa kasong ‘psychological violence’ na isinampa ng kaniyang misis

By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2020 - 08:48 AM

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na pagkakakulong laban sa isang taksil na mister na sumama sa kaniyang “kabit” at iniwan ang kaniyang misis.

Sa desisyon ng Supreme Court first division, pinagtibay nito ang desisyon ng Court of Appeals laban kay Jaime Araza.

Sinabi ng SC na guilty si Araza sa kasong paglabag sa Section 5(i) ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children at hinatulang makulong ng anim na buwan hanggang walong taon.

Sinabi ng SC na tama ang Court of Appeals nang sabihin nitong ang misis ay nakaranas ng emotional anguish at mental suffering nang siya ay iwan ng kaniyang mister.

Inatasan din si Araza na magbayad ng P100,000 bilang multa at P25,000 bilang moral damages.

Inatasan din ng SC ang mister na sumailalim sa mandatory psychological counselling o psychiatric treatment at iulat sa SC ang pagsunod niya dito sa loob ng 15 araw matapos makumpleto ang counselling.

Batay sa rekord ng kasi, noong taong 2007 inireklamo sa Las Pinas RTC si Araza ng kaniyang legal na misis ng ‘psychological violence’ matapos magtaksil at sumama sa ibang babae.

Unang sinubukan ng misis na ireklamo ng concubinage ang mister pero hindi ito umusad at nauwi sa settlement.

Sa kabila ng pagkakaroon ng settlement ay nagpatuloy sa pakikisama ang mister sa kaniyang kalaguyo, kaya naghain ang misis ng kasong paglabag sa Anti VAWC law.

 

 

TAGS: anti vawc law, Inquirer News, jurisprudence, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Republic Act 9262, supreme court decision, Tagalog breaking news, tagalog news website, anti vawc law, Inquirer News, jurisprudence, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Republic Act 9262, supreme court decision, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.