Heavy red rainfall warning ng PAGASA nakataas pa rin sa Kalayaan Islands sa Palawan
By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2020 - 08:13 AM
Nakataas na ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa Kalayaan Islands sa Palawan.
Ang Kalayaan Islands ay nakasailalim sa tropical cyclone wind signal number 1 dahil sa Typhoon Quinta.
Alas 8:00 ng umaga ngayong Martes, Oct. 27 ay red warning ang umiiral sa Kalayaan Islands.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng seriuos flooding at landslides.
Orange warning naman ang umiiral sa Cuyo Islands.
Habang yellow warning level ang nakataas sa nalalabi pang bahagi ng palawan at sa Occidental Mindoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.