P100,000 halaga ng ari-arian, tinupok ng apoy sa sunog sa QC
Sa kasagsagan ng malakas na hangin dala ng Bagyong Quinta, natupok ng apoy ang nasa 20 bahay sa Lower Forestry, Barangay Culiat, Quezon City.
Base sa inisyal na datos ng Quezon City Fire Department, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng isang 3-storey residential apartment na pag-aari ni Sarah Jean Sahuda.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na nag-umpisa dakong 11:53 ng umaga at idineklarang fire out ganap na 1:16 ng hapon.
Nasa 40 pamilya naman ang apektado ng nasabing sunog at tinatayang aabot sa P100,000 ang iniwang pinsala.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente habang nagsasagawa pa naman ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.