16 patay sa pamamaril sa beach sa Ivory Coast

By Dona Dominguez-Cargullo March 14, 2016 - 10:15 AM

Grand Bassam Ivory CoastPatay ang 16 na katao matapos umatake ang mga miyembro ng Al Qaeda North African branch at namaril sa isang beach resort sa Ivory Coast.

Anim na suspek ang namaril sa hotel sa Grand Bassam beach na popular sa mga turistang European.

Ayon kay Ivorian President Alassane Ouattara, labing apat na sibilyan ang patay sa insidente at dalawang rumespondeng sundalo.

Kinumpirma naman ng French foreign ministry na ang isa sa nasawi ay mamamayan nila.

Ang nationality ng iba pang nasawi ay hindi pa natutukoy ng mga otoridad, pero apat umano dito ay pawang European.

Inako naman ng grupong Al Qaeda in the Islamic Maghreb (AQIM) ang responsibilidad sa nasabing pag-atake.

Pawang nakasuot ng itim na damit ang gunmen na nagpaputok sa hotel habang kumakain ng lunch ang mga turista sa beachside bars and restaurants at ang iba naman ay nasa dagat.

TAGS: Al Qaeda members open fire in a hotel in Grand Bassam, Al Qaeda members open fire in a hotel in Grand Bassam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.