Mayor Isko Moreno trabaho pa rin kahit nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ina

By Chona Yu October 26, 2020 - 12:41 PM

Tuloy pa tin ang trabaho ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay kahit na nagluluksa si Mayor Isko dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Rosario Moreno Domagoso sa edad na 74.

Katunayan, dumalo pa si Mayor Isko sa flag raising ceremony ngayong umaga.

Pakiusap ni Mayor Isko sa mga Manileño, alagaan ang kanilang mga magulang habang nabubuhay pa.

Wala aniyang magulang ang naghahangad ng masama sa kanyang anak.

Dapat aniyang isipin ng mga anak na nagsumikap ang kanilang mga magulang para itaguyod at bigyan ng magandang kinabukasan.

Abala rin ngayon si Mayor Isko sa pagbabantay kung may mga pagbaha sa Maynila at kung may kailangan na ilikas dahil sa bagyong quinta.

 

 

TAGS: Inquirer News, manila, Manila Mayor Isko Moreno, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, manila, Manila Mayor Isko Moreno, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.