Malakanyang hangad ang good health ni Robredo

By Chona Yu October 26, 2020 - 10:47 AM

“Magpagaling ka”.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang kay Vice President Leni Robredo na nag self-quarantine matapos makasalamuha ang isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang ibang hangad ang Palasyo kung hindi ang maayos at malusog na pangangatawan ni Robredo.

Ginawa ni Roque ang pahayag kahit panay ang batikos ni Robredo sa administrasyon dahil sa umanoy kakulangan at hindi maayos na pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19.

Bukod kay Robredo, naka quarantine din ang kanyang staff na si Undersecretary Philip Dy.

Nakatakda sanang bumisita si Robredo sa Lucena, Quezon, at Caloocan City ngayong linggo subalit kanselado na ang mga ito.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, self quarantine, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice President Leni Robredo, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, self quarantine, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.