Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 45,000 pa
By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2020 - 09:33 AM
Umabot na sa mahigit 7.9 million ang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 45,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 7,909,049 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 7.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 656,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 117,336 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.