Maraming lalawigan sa Bicol at Southern Luzon walang suplay ng kuryente
Marami pa ring lalawigan ang nakararanas ng power service interruption dahil sa pananalasa ng Typhoon Quinta.
Sa inilabas na update ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 26, hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhan ng brownout sa Sorsogon at Camarines Sur.
Naibalik naman na partially ang suplay ng kuryente sa Quezon, Albay at Batangas.
Habang normal na ang suplay ng kuryente sa Laguna at Camarines Norte.
Ayon sa NGCP, patuloy ang inspeksyon at restoration sa mga apektadong linya ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.