Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong, nasa 5,373 na
Napaulat ang tatlo pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:33, Linggo ng hapon (October 25), 5,373 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 242 ang aktibong kaso.
Isa lang ang itinuturing na probable cases habang 1,374 ang suspected cases kung saan 20,300 ang cleared na.
37 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,961 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Nanatili naman sa 170 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.