Konstruksyon ng 17.2 kilometrong Zamboanga City Diversion Road, tuloy pa rin

By Angellic Jordan October 25, 2020 - 03:56 PM

DPWH PHOTO

Tuloy pa rin ang isinasagawang konstruksyon ng 17.21 kilometrong Diversion Road sa Zamboanga City.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, sa taong 2022, hindi na magtitiis sa masikip na trapiko ang mga residente sa mga kalsada sa naturang lugar.

Aniya, magsisilbi ang proyekto bilang alternatibong kalsada patungong Pagadian City-Zamboanga City Road.

Dagdag pa ng kagawaran, magsisilbi rin itong access road patungo sa panukalang bagong Zamboanga International Airport sa Barangay Mercedes, Zamboanga City.

Sa ngayon, 23.8 porsyento nang kumpleto ang proyekto kung saan 2.59 kilometro na ng kalsada ang nagawa.

Ang bagong 2-lane road ay mula sa Barangay Cabaluay hanggang Barangay Sta. Catalina.

Oras na makumpleto ang proyekto, magiging 20 minuto na lamang ang biyahe mula Barangay Cabaluay hanggang Barangay Sta. Catalina, malayo ito sa kasalukuyang travel time na 1 oras at 30 minuto.

Inaasahang aabot sa 8,000 motorista ang magbebenepisyo rito kada araw.

TAGS: Bild, DPWH project, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, Zamboanga City Diversion Road, Bild, DPWH project, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, Zamboanga City Diversion Road

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.