Mga ‘plantito,’ ‘plantita’ hinimok ng Palasyo na ipagpatuloy ang urban gardening
Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang mga ‘plantito’ at ‘plantita’ na ipagpatuloy ang urban gardening.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, malaking tulong ito para sa food stability habang may kinakaharap na pandemya ang bansa sa COVID-19.
Hinihimok din ni Nograles ang pagkakaroon ng gulayan sa barangay.
“Two green thumbs up!” Pahayag ni Nograles.
Nakatutuwa, ayon kay Nograles, na marami na ang nahuhumaling sa pagtatanim ng gulay sa kani-kanilang mga bakuran.
“Ako, full support ako dito. In fact, in Task Force Zero Hunger (TFZH), we promote urban gardening, community gardens, urban agriculture so that homes and communities have their own supplies of vegetables in their own backyards and are assured of access to nutritious food,” pahayag ni Nograles.
Umaasa si Nograles na dadami pa ang mahihilig sa pagtatanim.
“We hope this culture of urban and home gardening takes root in our country. We should go beyond being plantitos and plantitas––dapat maging vegetitos and vegetitas na rin tayo,” pahayag ni Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.