Sen. Go, nanawagang bantayan ang rice smuggling sa bansa
Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Gosa mga kianuukulan na bantayan ang rice smuggling at mga abusadong rice traders sa bansa.
Partikular na pinatututukan ni Go sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kooperatiba sa Tarlac na sangkot sa rice smuggling.
“Dagdag na problema ng ating mga magsasaka ang pananamantala at panloloko ng ilang malalaking rice traders at rice importers,” pahayag ni Go.
Ayon sa Senador, nakakaawa ang mga magsasaka na naapektuhan dahil sa rice smuggling.
“Mas paigtingin pa natin ang pangangasiwa ng mga kooperatiba upang hindi na magkaroon ng ganitong klase ng katiwalian. Huwag po nating hayaang tuluyang maghirap ang ating magsasaka. Tuluy-tuloy po ang kampanya natin laban sa korapsyon at kasama dyan ang smuggling,” pahayag ni Go.
Payo ni Go sa mga magsasaka, dumulog lamang sa kanyang tanggapan kung mangangailangan ng tulong.
“Unahin po natin ang kapakanan nila, bigyan po natin sila ng mga dapat na kailangan nila para makabangon po muli ang ating magsasaka. Para naman sa mga magsasaka natin, bukas po ang opisina ko kung may mga hinaing kayo o mga gusto isumbong,” pahayag ni Go.
“Sa panahon po ng krisis at pandemya, ang ating mga masisipag na magsasaka ang nagsisilbing kasangga ng bawat pamilyang Pilipino bilang mga food providers ng ating bayan. Nararapat lamang na maglaan tayo ng epektibong mekanismo na mangangalaga sa kapakanan nila,” dagdag ng Senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.