Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2020 - 03:50 PM

Uulanin pa rin sa susunod na mga oras ang Metro manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA ala 3:21 ng hapon ngayong Biyernes (Oct. 23) katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan at Batangas.

Ganitong lagay na ng panahon ang nararanasan sa Laguna (Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao, Calamba), Quezon (Calauag, Lopez, General Nakar, Tayabas, Lucban), Rizal (Rodriguez, Antipolo), Zambales (San Marcelino), Nueva Ecija (Carranglan), at Tarlac (Gerona).

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

 

TAGS: Pagasa, thunderstorm advisory, weather, Pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.