Kampo ng MILF, binisita ng Swiss Ambassador

By Kathleen Betina Aenlle March 14, 2016 - 04:15 AM

 

milf-logo-298x224Muling ipinahayag ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al-Hajj Murad Ebrahim ang kaniyang pagka-bahala kaugnay sa mga nakababatang Moro na nadismaya sa hindi pagkaka-pasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Isa kasi ito sa mga napag-usapan nila ni Swiss Ambassador Andrea Reichlin sa kaniyang pagbisita sa Camp Darapanan ng MILF sa Sultan Kudarat, Maguindanao noong Huwebes.

Ipinaabot ni Ebrahim ang kaniyang hinaing kay Reichlin at sinabing natatakot sila na baka mas piliin ng mga nakababatang Moro ang pagiging radikal bilang kapalit ng peace process sa Mindanao.

Umasa kasi aniya silang lahat na ang BBL na ang magdadala ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao dahil mapapayagan na ang mga Bangsamoro na pamahalaan ang kanilang mga sarili.

Sang-ayon rin naman dito si Reichlin at sinabing posibleng maging kapital ng mga extremists at radical groups ang pagka-dismaya ng mga tao sa hindi pagsasabatas ng BBL para makapag-recruit pa ng mga miyembro.

Gayunman, tiniyak ni Reichlin sa MILF na ipagpapatuloy ng kanilang bansa ang pagpapatuloy ng peace process sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.

Umaasa rin siyang maipapatupad pa ang napagkasunduang BBL.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.