70 steel bollards sa EDSA-Shaw tunnel inararo ng fuel tanker
Isang fuel tanker ang naaksidente sa ilalim ng EDSA-Shaw madaling araw ngayong Biyernes (Oct. 23).
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Head Bong Nebrija, umabot sa 70 steel bollards sa EDSA Shaw tunnel ang inararo ng fuel tanker at nawasak.
Idinahilan umano ng driver na pumutok ang tig-isang gulong sa harapan at likuran ng tanker.
Pero nang isailalim siya sa breathalyzer ng MMDA personnel, natuklasang siya ay nakainom.
Dahil sa nasira ang mga steel bollards ay pansamantalang papalitan ang mga ito ng traffic cones.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.