557 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 23, 2020 - 12:33 AM

Umabot sa 557 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Miyerkules ng hapon (October 21), hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 22).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 322 kung saan 191 ang adult habang 131 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 207.

11 naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, isa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, walo ang umiinom, dalawa ang naninigarilyo habang anim sa iba pang ordinansa.

TAGS: COVID-19, curfew violator, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator, COVID-19, curfew violator, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.