COVID-19 positive cases sa Western Visayas, 15,205 na
Nagpositibo ang 163 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 22, umakyat na sa 15,205 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
2,919 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 76.91 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
293 naman ang gumaling pa kaya 11,927 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 359 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.