PBA Bubble: Gatas namayani sa pintura

By Jan Escosio October 22, 2020 - 10:04 PM

Inquirer photo

Sa Alaska Aces natikman ng Rain or Shine ang kanilang unang talo sa PBA Philippine Cup bubble play sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Pampanga.

Dahil kay Vic Manuel, naitakas ng Aces ang 89-88 panalo.

Si Manuel ang umiskor ng huling anim na puntos ng Aces. Nakapagtala siya ng kabuuang 18 puntos.

Nakadikit ang RoS sa lay-up ni Beau Belga para sa 89-88 iskor, may limang segundo pa ang natitira sa laban.

Nabuhayan ng loob ang Elasto Painters ng makawala kay JV Casio ang bola sa inbound.

Ngunit, sumablay ang lay-up ni Rey Nambatac at nasungkit pa ni Manuel ang rebound hanggang sa maubos ang oras.

Sa kanilang pagkatalo, 3-1 ang Rain or Shine at nananatili sila sa ikatlong puwesto.

Tanging ang Barangay Ginebra at Talk ‘n Text Tropang Giga na lamang ang walang talo sa liga na muling nagsimula noong Oktubre 11.

TAGS: Alaska Aces, Inquirer sports, PBA Bubble, PBA Philippine Cup, PBA Philippine Cup bubble play, Radyo INQUIRER sports, Rain or Shine, Alaska Aces, Inquirer sports, PBA Bubble, PBA Philippine Cup, PBA Philippine Cup bubble play, Radyo INQUIRER sports, Rain or Shine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.