Task force dapat ituloy imbestigasyon sa PhilHealth – Sen. Bong Go
Hinimok ni Senator Christopher Go ang Inter-Agency Task Force (IATF) na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin pa ang pag-iimbestiga sa PhilHealth at magrekomenda ng pagpapataw ng preventive suspensions.
Sinabi pa ni Go na dapat din ay sampahan ng mga kaso laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth kung may sapat na basehan na sila ay sangkot sa katiwalian at nagpabaya sa trabaho.
Iginiit ng senador ang rekomendasyon ng Senado noong Agosto na hinihimok ang Pangulo na suspindihin ang matataas na opisyal ng Philhealth.
Bilang namumuno sa Senate Committee on Health nagpahayag ng pangamba si Go sa mga alegasyon ng malawakang katiwalian sa Philhealth sa katuwiran na napakahalaga ng ahensiya sa healthcare system ng bansa.
“Sabi ko nga noon, kung hindi lang magagalit ang human rights advocates, dapat pilayan o putulin ang daliri o kamay ng mga corrupt para matigil talaga ang kalokohan,” babala pa ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.