13 preso na pumuga sa Caloocan nagpositibo sa rapid test para sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2020 - 11:25 AM

Kinumpirma ng Caloocan City Police na ang labingtatlong preso na tumakas sa detention facility sa lungsod ay nauna nang nagpositibo sa rapid test para sa COVID-19.

Ayon kay Caloocan police chief Colonel Dario Menor hindi naman nanganaghulugang positibo na nga sa COVID-19 ang 13.

Ang mga preso ay tumakas sa pamamagitan ng pagbutas sa pader ng kanilang selda.

Isa sa mga tumakas ay naaresto na kaninang alas 8:30 ng umaga.

Simula noong Lunes ay inumpisahan na umano ng mga preso ang pagbutas sa pader batay sa pahayag ng presong nadakip.

Patuloy pa ang manhunt operation sa iba pang mga tumakas na PDLs.

 

 

TAGS: caloocan, Inquirer News, jail break, News in the Philippines, PDLs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, caloocan, Inquirer News, jail break, News in the Philippines, PDLs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.