Pepito nakalabas na ng bansa ayon sa PAGASA; lumakas pa at nasa typhoon category na

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2020 - 11:24 AM

Nakalabas na ng bansa ang bagyong Pepito kaninang alas 7:30 ng umaga.

Ayon sa PAGASA alas 8:00 ng umaga ay lumakas pa ang bagyo na may international name na “Saudel” at nasa typhoon category na.

Alas 10:00 ng umaga ngayong Huwebes, Oct. 22 ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 485 kilometers West Northwest ng Dagupan City, Pangasinan o 480 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.

Nakatakdang tumama sa central portion ng Vietnam ang bagyo sa araw ng Linggo.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer, saudel, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer, saudel, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.