Antas ng tubig sa Buntun Bridge sa Cagayan nasa “alarm level” na
Nananatiling nakataas ang “alarm level” sa Buntun Bridge sa Cagayan Province.
Sa update mula sa Tuguegarao City Command Center, hanggang alas 7:00 ng umaga ngayong Huwebes, Oct. 22 nasa 9.1 meters na ang water level sa Buntun Bridge.
Dahil dito, may mga kalsada sa lungsod ng Tuguegarao ang nananatiling lubog sa tubig-baha at hindi madaanan ng mga motorista.
Sarado ang mga sumusunod:
1. CAPATAN OVERFLOW BRIDGE
2. PINACANAUAN NAT TUGUEGARAO AVENUE
3. MACAPAGAL CORNER GONZAGA ST.
Nilagyan naman ng barikada ang sumusunod na kalsada:
1. Bonifacio St (Centro 1) cor Maura going to Pinacanauan Nat Tuguegarao Avenue
2. Gunacao St, Cataggaman Nuevo going to Pinacanauan Nat Tugue Ave.
3. Aguinaldo St cor Valenzuela St (Provincial Museum)
4. Petron Gas station, Capatan
5. Batang St., Caggay going to PNT Ave. (JBK Building)
6. Gomez corner Valenzuela St, Centro 10
7. Valenzuela corner gonzaga St, Centro 10 Barangay Hall
Simula kahapon ay nagpatuloy sa pagtaas ang water level ng Buntun Bridge.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.