Eskwelahan sa Cebu City nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2020 - 06:32 AM

Tinupok ng apoy ang isang eskwelahan sa Cebu City.

Nangyari ang sunog sa two-storey pre-school na Cambridge School sa Veteran’s Drive, Barangay Lahug alas 7:45 ng gabi ng Miyerkules, October 21, 2020.

Ayon sa Cebu City Fire Department umabot sa 2nd alarm ang sunog at ganap na naapula alas 8:33 ng gabi.

Sinabi ni Fire Officer 2 Emerson Arceo, na posibleng problema sa electrical wiring ang pinagmulan ng apoy.

Nakita kasi aniya ng naka-duty na security guard na mayroong nag-spark sa circuit breaker.

Luma na rin aniya ang gusali at 17 taon nang nirerentahan ng may-ari ng paaralan.

Tinatayang aabot sa P800,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

 

 

TAGS: Cambridge School, Cebu City, cebu city fire office, fire incident, Inquirer News, Lahug, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cambridge School, Cebu City, cebu city fire office, fire incident, Inquirer News, Lahug, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.