5 PDEA agents, iniimbestigahan sa ‘fake drug bust’ video

By Jan Escosio October 22, 2020 - 12:15 AM

Ipinag-utos na ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang masusing imbestigasyon sa nabunyag na ‘fake drug operation’ ng limang ahente sa Dumaguete noong nakaraang Hunyo.

Iginiit ni Villanueva na hindi niya kukunsintihin ang mga ilegal na gawain ng kanyang mga tauhan.

Sinabi nito na ipauubaya na lang nila sa korte ang paggawad ng desisyon.

Napaulat na limang ahente; Nelson Muchuelas, May Ann Carmelo, Jose Juanites at Cheryl Villaver, ang nahaharap sa contempt of court dahil sa ikinasang pekeng operasyon.

Iniulat na nagkasa ng entrapment operation ang limang ahente ngunit sa lumabas na CCTV footage, nakita na dinampot nila ang drug suspect sa kalsada at kunwaring nagsagawa ng buy-bust operation.

Sabit din sa kaso sina Sheila Catada, isang opisyal ng barangay at ang tumayong media representative na si Juditho Fabillar.

TAGS: fake drug bust video, Inquirer News, PDEA, PDEA Director General Wilkins Villanueva, Radyo Inquirer news, fake drug bust video, Inquirer News, PDEA, PDEA Director General Wilkins Villanueva, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.