Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, pumalo na sa 5,340
Napaulat ang 11 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:04, Miyerkules ng hapon (October 21), 5,340 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 339 ang aktibong kaso.
Tatlo ang itinuturing na probable cases habang 1,416 ang suspected cases kung saan 20,155 ang cleared na.
30 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,831 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 170 pa rin ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.