San Andres Sports Complex quarantine facility sa Maynila, pinasinayaan na
Pinasinayaan na ang San Andres Sports Complex quarantine facility sa Lungsod ng Maynila, araw ng Miyerkules (October 21).
Pinangunahan ito nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Bahagi ito ng pagpapatibay ng health care facilities sa lungsod para matiyak na maayos ang kalagayan ng mga nagpositibo at hinihinalaang kaso ng COVID-19.
“Maalala mo nung nagsisimula tayo noong Marso, gumawa tayo ng emergency quarantine facility dito sa San Andres. Ngayon naman, through the help of Secretary Villar and DPWH family, nakapagpatayo uli tayo ng 54 cubicles na mayroong wifi, electric fan and air condition, banyo, mas maganda ‘yung spacing and natutuwa nga ako na nagustuhan din ng World Health Organization at DOH as per report of the Manila Health Department,” pahayag ng alkalde.
Nagsisilbi rin aniya itong paghahanda sakaling dumami ang kaso ng COVID-19 sa Maynila.
“This is our preparation in our small little way to continue strengthening our load capacity na kung sakali, ’wag naman sana loobin ng Diyos, mangyari sa atin ‘yung nangyari sa most portion of Europe na nagkaroon ng second wave. Inaagapan namin ‘yung posibleng hindi magandang mangyari sa December o Enero,” ani Moreno.
Sa ngayon, nasa 525 ang kabuuang bed capacity ng 13 quarantine facilities sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.