BREAKING: Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa 362,243 na
Mahigit 1,500 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (October 21), umabot na sa 362,243 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 43,990 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,509 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.6 porsyento ang asymptomatic; 2.0 porsyento ang severe habang 3.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 60 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,747 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 911 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 311,506 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.