Ilang bahagi ng Central Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan October 21, 2020 - 03:01 PM

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:30 ng hapon, ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Pepito.

Asahang mararanasan pa rin ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Nueva Ecija.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang iiral sa Tarlac, Zambales, Bataan at Pampanga.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], thunderstorm advisory, Tropical Storm Pepito, weather update October 21, yellow rainfall warning, breaking news, Inquirer News, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], thunderstorm advisory, Tropical Storm Pepito, weather update October 21, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.