Mga residente malapit sa Cagayan River pinaghahanda sa posibleng paglikas

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2020 - 10:50 AM

Inabisuhan nang maghanda sa paglikas ang mga residente na naninirahan malapit sa ilog ng Cagayan.

Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng water level sa Cagayan River.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa tabi ng Ilog ng Cagayan, partikular sa bahagi ng Linao, Lower Abulug, Lower Pamplona, Cabicungan, Aunugay, Ba, Palawig, at Taboan.

Kasama ding pinag-iingat ang mga nakatira sa mabababang lugar sa Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Amulung, Alcala, Gattaran, Lal-lo, Lasam, Camalanuigan, Baggao at Aparri.

Ang mga residente ay pinayuhang maging alerto at lumikas kung kinakailangan na.

As of 9:20 ng umaga, ang water level sa Buntun River ay nasa 7.28 meters.

Itataas ang alert level sa Buntun Bridge sa sandaling umabot sa 9 meters ang tubig sa ilog.

 

 

 

TAGS: buntun bridge, Cagayan River, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, buntun bridge, Cagayan River, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.