Global cases ng COVID-19 mahigit 41 million na
Umabot na sa mahigit 41 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes, (Oct. 21) ay 41,021,354 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 379,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 59,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 54,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 23,000 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 8,518,785
India – 7,649,158
Brazil – 5,274,817
Russia – 1,431,635
Spain – 1,029,668
Argentina – 1,018,999
Colombia – 974,139
France – 930,745
Peru – 874,118
Mexico – 854,926
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.