Condom para sa mga kababaihan, aprubado na ng WHO

By Jay Dones March 13, 2016 - 07:43 PM

 

Mula sa Google/File photo

May condom nang pwedeng magamit ng mga kababaihan.

Inaprubahan na ng World Health Organization (WHO) at United Nations Population Fund ang ‘female condom’ na ginagawa ng isang Chinese company at nakatakda nang ipamahagi sa iba’t-ibang bansa partikular sa Africa.

Bagama’t dati nang may condom para sa mga babae, hindi ito gaanong popular at maliit na porsiyento lamang ng mga kababaihan ang gumagamit nito.

Gayunman, sa bagong modelo ng ‘female condom’ na may brand name na “O’lavie” ng Dahua Medical Apparatus Corp. of Shanghai, China, ipinapangako ng mga manufacturer ang ‘enhanced sensation’ para sa mga kalalakihan.

Bukod dito, mas mataas umano ang ibinibigay nitong proteksyon kontra sa mga skin-to-skin transmitted diseases tulad ng herpes at HPV o human papilloma virus at HIV/AIDS.

Hindi rin daw ito kailangang alisin agad matapos ang intercourse.

Ayon kay Mags Beksinska, research director sa isang government-supported hospital sa South Africa, mapapataas ang reproductive health ng mga kababaihan kung gagamit ng naturang uri ng condom.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.