WATCH: Maraming motorista stranded dahil sa lagpas taong tubig-baha sa Lopez, Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2020 - 08:53 AM

Stranded ang maraming commuters sa bahagi ng Lopez, Quezon.

Kabilang sa mga stranded ang mga patungong Bicol, Sorsogon, at Leyte.

Mahaba na ang pila ng mga sasakyan sa Diversion Rd ng Brgy. Canda at Brgy. Danlagan sa bayan ng Lopez.

Bunsod ito ng pagtaas ng tubig-baha sa Brgy. Canda Ilaya ay umabot na sa lagpas tao ang tubig.

Maraming motorista na rin ang stranded sa kahabaan ng Maharlika Highway Road sa Brgy. Bebito at Brgy. Magsaysay Poblacion.

Sa mga larawang ibinahagi ni Brgy. Burgos Kagawad Dixie Ferreras sa kaniyang Facebook, makikitang maging ang naglalakihang mga truck ay stranded sa kalsada dahil hindi rin ito makatawid sa tubig-baha.

https://www.facebook.com/radyoinquirer990/posts/5023085577716746

TAGS: flashflood, flood, Inquirer News, Lopez Quezon, News in the Philippines, PepitoPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, flashflood, flood, Inquirer News, Lopez Quezon, News in the Philippines, PepitoPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.