Ipo dam at Ambuklao dam kapwa nagpapakawala ng tubig
Kapwa nagpapakawala ng tubig sa Ipo dam at Ambuklao dam.
Sa abiso ng PAGASA, ang water level ng Ipo dam ay nasa 101.05 meters ngayong umaga.
Mas mataas na ito sa normal high-water level na 101 meters.
Dahil dito may isang gate ng dam ang nakabukas na at nagpapakawala ng tubig.
Samantala, ang Ambuklao dam naman, nasa 745.06 meters ang water level.
Bagaman 752 meters pa ang normal high-water level nito ay nagbukas na rin ito ng isang gate.
Una rito ay nag-abiso na rin ang National Irrigation Administration (NIA) na magpapakawala ng tubig mamayang hapon ang Magat dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.